Update your Cookie Settings to use this feature.
Click 'Allow All' or just activate the 'Targeting Cookies'
By continuing you accept Avaaz's Privacy Policy which explains how your data can be used and how it is secured.
Got it
We use cookies to analyse how visitors use this website and to help us provide you the best possible experience. View our Cookie Policy .
OK
Lift PH Travel Ban for OFWs in UAE & Oman

Lift PH Travel Ban for OFWs in UAE & Oman

1 have signed. Let's get to
50 Supporters

Close

Complete your signature

,
By continuing you agree to receive Avaaz emails. Our Privacy Policy will protect your data and explains how it can be used. You can unsubscribe at any time. If you are under 13 years of age in the USA or under 16 in the rest of the world, please get consent from a parent or guardian before proceeding.
This petition has been created by Migrante M. and may not represent the views of the Avaaz community.
Migrante M.
started this petition to
Duterte government
I-lift ang travel ban sa mga Pinoy galing UAE at Oman

Kami, mga OFW sa UAE at Oman, ay nananawagan sa Duterte government: i-lift ang travel ban sa mga Pilipinong galing United Arab Emirates at Oman.

Parusa sa aming mga OFW sa UAE at Oman ang travel ban na ito.

Ang mga nagbabakasyon sa trabaho, pinagkakaitan nito ng pagkakataong makasama ang aming mga mahal sa buhay sa Pilipinas, at makapahinga sa buong-taong pagtatrabaho. Maiksi pa naman ang bakasyon namin.

Ang mga nawalan ng trabaho, lalong inilulubog nito sa gutom at utang at sa pagkaubos ng savings, kung may savings man.

Ang mga nag-expire o mag-eexpire naman ang visa, inilalantad nito sa banta ng pagkakakulong, deportasyon, blacklisting at pagbabayad ng multa.

Ang mga “fit to travel” na buntis na nais manganak sa Pilipinas, ang mga maysakit na gustong magpagaling kasama ang mga kaanak sa Pilipinas, ay lalong pinapahirapan nito.

Sinasayang nito ang pera ng karamihan sa amin na ang ipinambili ng tiket pauwi ng Pilipinas ay galing sa sariling bulsa. Matagal pa naman namin itong pinag-ipunan o ipinangutang pa.

Nauunawaan namin ang idinadahilan ng gobyerno at pangamba ng ating mga kababayan: na madadala namin ang Covid-19 at iba’t ibang variant nito sa ating bansa.

Pero may paraan para hindi mangyari ito. Sa UAE, halimbawa, ang mga dumarating galing sa ibang bansa, agad na tine-test sa mismong airport. Sa loob ng isa o dalawang araw, matatanggap ang resulta ng swab test -- at sa text message lang! Kapag negative, labas na sa quarantine. Kapag positive, dapat magpagaling. Kapag matindi ang mga sintomas, pwedeng humingi ng tulong sa pagpapaospital.

Bukod pa diyan, maayos ang pagpapalaganap ng bakuna sa UAE at Oman. Katunayan, karamihan sa mga OFW na umuuwi mula sa mga bansang ito ay fully vaccinated na laban sa Covid-19.

Iyan ang dapat pamarisan ng gobyerno ng Pilipinas. Ang dapat, siyentipiko at epektibong solusyon. Ang dapat, iyung sinasabi ng mga eksperto: mass testing, contact-tracing, at mabilis at episyenteng pagbabakuna. Hindi pwedeng puro restrictions, ban at NECQ o Never-Ending Community Quarantine lang.

Dapat walang diskriminasyon sa mga OFW. Hindi naman ang mga OFW ang nagkakalat ng Covid-19, kundi ang mga palpak na patakaran ng gobyerno.

Hindi lang sa dapat i-lift ang ban at hayaang makauwi ang mga OFW mula sa UAE at Oman.

Para sa mga OFW sa UAE, dapat ding ibasura ang rekisitong Affidavit of Support and Guarantee (AoSG) na humahadlang sa maraming OFWs na mabisita ng kanilang kaanak, kahit pa may UAE visit visa. Hinaharangan na ngang makauwi sa Pilipinas ang mga OFW, hinaharangan pa silang madalaw sa UAE ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa patakarang AoSG ng gobyerno, dapat may minimum monthly income ang OFW para madalaw ng kaanak: 10,000 AED (para sa single), 14,000 AED (para sa may-asawa), at 18,000 AED (para sa may apat na miyembro ng pamilya). Samantalang ang UAE, mabilis magbigay ng tourist visa. Paano naman ang mahihirap na OFWs? Mismong UAE na nga ang nagpapahintulot, gobyerno pa ng Pilipinas ang humahadlang!

Sa UAE, Oman at buong Middle East dapat ding gawing accessible, mabilis, at mapagkalinga -- hindi masungit o magaspang -- ang serbisyo ng Philippine embassies at consulates -- lalo na sa pag-abot at pagpapauwi sa mga stranded OFWs. Ito ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho, kanselado, expired o mage-expire ang mga visa, atbp.

Dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang mga OFWs at mamamayan. Isang hakbang na i-lift ang travel ban sa mga Pinoy sa UAE at Oman at ipatupad at paghusayin ang mass testing at pagbabakuna ng gobyerno.
Posted (Updated )