Update your Cookie Settings to use this feature.
Click 'Allow All' or just activate the 'Targeting Cookies'
By continuing you accept Avaaz's Privacy Policy which explains how your data can be used and how it is secured.
Got it
End The Semester Now LSPU

End The Semester Now LSPU

1 have signed. Let's get to
50 Supporters

Close

Complete your signature

,
By continuing you agree to receive Avaaz emails. Our Privacy Policy will protect your data and explains how it can be used. You can unsubscribe at any time. If you are under 13 years of age in the USA or under 16 in the rest of the world, please get consent from a parent or guardian before proceeding.
This petition has been created by Union O. and may not represent the views of the Avaaz community.
Union O.
started this petition to
laguna State Polytechnic University Students, Faculty, admins
Ang Union of Concerned Students ng Laguna State Polytechnic University ay nakikiisa sa laban ng lahat ng estudyante para sa pantay at makataong edukasyon. Kami ay patuloy na maninindigan para sa panawagang #EndTheSemNowLSPU #MassPromotion at #EndOnlineClass.
Dapat lamang na makinig ang administrasyon ng LSPU sa ating mga mag-aaral dahil tayo at ang mga pamilya natin ang pangunahing maaapektuhan ng mga kanilang mga desisyon.

Dahil sa iba't ibang krisis na kinakaharap ng ating bansa pang-ekonomiya, pang-kalikasan o pang-kalusugan marapat lang na laging iuna ang buhay at kaligtasan ng mga estudyante.

Kaya kaming mga nagkakakisang estudyante ng Laguna State Polytechnic University kasama ang Union of Concerned Students - LSPU ay nananawagan sa adminstrasyon na ikonsidera ang 7-point demands:


1. Pagtatapos ng semestre; huwag pahintulutang matuloy ang Flexible Learning Program o "online class".

Itigil na ang pagtatangkang ituloy ang Flexible Learning Program dahil lantaran itong pagbabalewala sa kapakanan at estado ng kalagayan ng mga estudyante. Hindi lahat ng mag-aaral ay may gadyet o kagamitan para magawa ang mga requirements nila. Lalong lalong hindi lahat ay may maayos na koneksyon sa internet, at may sapat na kaalaman sa teknolohiya para makasabay sa ibang estudyante. Ang isang buwan na palugit para sa mga mag-aaral na hindi makakapagpasa ay hindi rin tama dahil walang kasiguraduhan na kaya na ng mga magulang at mga mag-aaral na makabalik sa unibersidad na parang walang nangyari kapag nag umpisa na ulit ang klase.

2. Mass Promotion; bigyan ng pasadong marka ang lahat ng mag-aaral.

Ang pagbibigay ng pasadong marka sa lahat ay hindi nangangahulugang pagbabalewala sa edukasyon. Ito ay paghahayag lamang na uunahin ng mga opisyal ng paaralan ang physical at mental health ng mga mag-aaral. Bawas din ito sa dalang pasanin ng mga guro dahil hindi na nila iisipin kung anong mga requirements ang ibibigay sa kanilang mga estudyante, makakapagpokus ang lahat sa mga bagay na importante katulad ng kaligtasan at kalusugan ng lahat.

3. Pagkakaroon ng mga libreng bridging programs; pag gawa ng maayos na syllabi o kurikulum.

Kung matutuloy ang Flexible Learning Program hindi nito masisiguro ang kalidad ng edukasyon. Dahil hindi lahat ng mga mag-aaral at guro ay handa na rito. Maaaring mag labas ng mga libreng bridging programs ang unibersidad para masiguro na hindi napapabayaan ang kalidad ng edukasyon o di kaya'y magkaroon nalamang ng mas maayos na syllabi at kurikulum na papabor sa kakayahan ng mga estudyante.

4. Bigyan ng sapat na tulong at oras ang mga graduating students.

Malaking pagsubok ang kinakaharap ngayon ng mga Graduating Students- thesis, OJTs, at sangkaterbang requirements upang sila ay makagraduate. Napakahirap pagsabayin ng pag aalala sa lumalalang estado ng bansa at paggawa ng mga requirements para matiyak ang pagtatapos. Ang pinakamabisang solusyon sa problemang ito ay pagbibigay ng sapat na konsiderasyon at oras upang matapos nila ang lahat ng kanilang mga requirements.

5. Bigyan ng karampatang sahod ang mga guro at iba pang kawani ng paaralan.

Ang isang unibersidad ay parang malaking pamilya. Kaya nararapat lang na walang maiwan at makalimutan. Bigyan ang lahat ng guro (regular o kontraktual) at iba pang mga kawani ng unibersidad upang matugunan din nila ang kanilang pang araw araw na pangangailangan.

6. Tiyakin ang tunay na representasyon ng konseho ng mga mag aral.

Walang tamang panahon para supilin ang karapatan at boses ng Student Council. Marapat lang na manatiling demokratiko at kumakatawan sa interes ng mga mag-aaral ang mga konseho. Huwang nyong busalan ang kanilang mga bibig at takpan ang kanilang mga mata. Ang konseho ay dapat pamahalaan ng mga mag-aaral dahil ito para sa mga mag-aaral.

7. Itigil ang panunupil sa mga estudyanteng pumupuna sa mga polisiya.

Malaya at may karapatan ang mga estudyante na pumuna sa mga polisiya ng administrasyon. Kung natatakot ang inistitusyon na "masira ang kanilang imahe" marapat lamang na tingnan at iwasto nyo ng maigi kung ano ang pinupuna ng mga estudyante. Dahil kahit kailan hindi n'yo mapapatahimik ang mga estudyanteng ang nais lang ay matamasa ng lahat ang pantay at may kalidad na edukasyon.

LSPU Students, patuloy tayong magingay upang marinig ng adminstrasyon ang ating mga hinaing! Sumama sa laban para sa pantay at makataong edukasyon! Pumirma sa petisyon!


#EndTheSemNowLSPU
#MassPromotion
#EndOnlineClass


Posted (Updated )